DOST Sec. Solidum, dating Justice Sec. Remulla, nanguna sa may pinakamataas na kabuuang kompensasyon sa inilabas na Report on Salaries and Allowances ng COA

Lumabas sa Commission on Audit (COA) Report on Salaries and Allowances (ROSA) na sina Science and Technology Secretary Renato Solidum Jr. at dating Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na kasalukuyang Ombudsman, ang may pinakamataas na kabuuang kompensasyon sa hanay ng mga Cabinet official noong 2025. Ayon sa ulat, umabot sa ₱6.66 milyon ang natanggap ni Solidum habang ₱5.976 milyon naman kay Remulla. Kabilang sa kanilang kompensasyon ang suweldo, allowances, bonus, at iba pang benepisyo. Sa kabuuang tala ng COA, nasa mas mababang bahagi ng ranggo ang karamihan sa iba pang miyembro ng Gabinete, na tumanggap ng tinatayang ₱2.1 milyon hanggang ₱5.9 milyon, depende sa posisyon at tagal ng serbisyo sa taon.

NEWS

5/27/20261 min read

My post content

Contact

Reach us anytime for questions or support.

Email

Phone

047-643-0239

© 2025. All rights reserved.