₱60-B Pondo Ibinalik sa PhilHealth para sa Mas Pinalawak na Serbisyong Pangkalusugan — PBBM

Opisyal nang naibalik sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang ₱60 bilyong pondo mula sa National Treasury alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.. Ayon sa PhilHealth, malaking tulong ang naturang halaga upang mapahusay pa ang mga benepisyo at mapalawak ang serbisyong pangkalusugan para sa mas maraming Pilipino. Nagpasalamat din ang state insurer sa Department of Finance sa agarang pagproseso ng remittance ng pondo. Sinabi ng PhilHealth na gagamitin ang pondo para sa pagpapabuti ng kanilang mga sistema, pagpapabilis ng proseso ng serbisyo, at pagpapalawak ng benefit packages para sa kanilang mga miyembro sa buong bansa. Nauna nang ipinaliwanag ni Pangulong Marcos na ang pagbabalik ng pondo sa PhilHealth ay bahagi ng layunin ng administrasyon na higit pang palakasin ang healthcare system ng bansa.

NEWS

5/27/20261 min read

My post content

Contact

Reach us anytime for questions or support.

Email

Phone

047-643-0239

© 2025. All rights reserved.