Panukalang batas para sa mga piece-rate workers, isinusulong ni Sen. Raffy Tulfo

Isinusulong ni Sen. Raffy Tulfo ang Senate Bill No. 2115 o Anti-Abuse of Pakyawan Workers Act na naglalayong palakasin ang proteksyon ng mga pakyawan o piece-rate workers at magpataw ng mas mabigat na parusa sa mga lalabag. Sa ilalim ng panukala, palalakasin ang regulasyon sa Time and Motion Study (TMS), ipag-uutos ang paglalagay ng approved piece-rate order sa lugar ng trabaho, at titiyakin na ang sahod ng manggagawang nakapagsilbi ng walong oras ay hindi bababa sa minimum wage. Layon din ng panukala ang mas mahigpit na inspeksyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) at pagpapataw ng kaukulang parusa sa mga lalabag, kabilang ang multa at posibleng pagsasara ng establisimyento.

NEWS

5/28/20261 min read

My post content

Contact

Reach us anytime for questions or support.

Email

Phone

047-643-0239

© 2025. All rights reserved.