Magnitude 5.4 na Lindol yumanig sa Bicol Region; PHIVOLCS, nagbabala ng aftershocks at posibleng pinsala

Yumanig ang Bicol Region matapos maitala ang magnitude 5.4 na lindol ganap na 9:58 ng gabi ng Biyernes, ayon sa PHIVOLCS. Natunton ang epicenter nito sa 15 kilometro timog ng Sto. Domingo, Albay, na may lalim na 10 kilometro. Naitala ang Intensity V sa Sto. Domingo at Legazpi City sa Albay, habang Intensity IV naman sa Tabaco City, Ligao City, at Malilipot sa Albay, gayundin sa ilang bayan sa Sorsogon. Mas mahina namang pagyanig ang naramdaman sa iba pang bahagi ng Bicol Region, kabilang ang Naga City at Sorsogon City. Batay sa instrumental intensity measurements, umabot sa Intensity VI ang Tabaco City sa Albay, habang Intensity V sa Castilla, Sorsogon. May posibilidad ng aftershocks at pinsala kaugnay ng lindol, ayon sa PHIVOLCS

NEWS

9/1/20261 min read

My post content

Contact

Reach us anytime for questions or support.

Email

Phone

047-643-0239

© 2025. All rights reserved.