Pitong Pinoy Seafarers Sugatan sa Drone Attack sa Strait of Hormuz
Patuloy na minomonitor ng pamahalaan ang kondisyon ng pitong Pilipinong seafarers na nasugatan matapos tamaan ng Iranian drone attack ang MV CMA CGM San Antonio habang naglalayag sa Strait of Hormuz. Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), agad na nailipat sa ligtas na bahagi ng Oman ang barko at dinala sa ospital ang mga tripulante upang mabigyan ng agarang lunas. Tatlo sa mga Pilipino ang nagtamo ng malubhang pinsala at kasalukuyang nasa ICU, habang apat naman ang may minor injuries at nasa ilalim pa ng obserbasyon. Nakipag-ugnayan si Senador Raffy Tulfo sa DMW upang tiyakin ang kalagayan ng mga marino at ang suportang ibinibigay sa kanilang pamilya. Inihayag din niya ang planong paghahain ng Senate resolution upang mapag-usapan ang pagpapatupad ng Magna Carta of Filipino Seafarers at mapalakas ang proteksyon sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa dagat, lalo na sa mga high-risk areas.
NEWS
5/28/20261 min read


My post content
Contact
Reach us anytime for questions or support.
Phone
047-643-0239
© 2025. All rights reserved.
