“TO BE FRANK, I AM NOT ON ANY SIDE BUT GOD’S SIDE” Robin Padilla, Iginiit ang Papel ng Minority Bloc Matapos Kuwestyunin ni Leila de Lima ang Pananaw sa Oposisyon
Iginiit ni Senador Robin Padilla na bahagi ng trabaho ng minority bloc ang pagtutol sa mga panukala ng mayorya matapos siyang kwestiyunin ni ML Partylist Rep. Leila de Lima kaugnay ng kaniyang pananaw sa oposisyon. Nag-ugat ang palitan matapos sabihin ni Padilla na tungkulin ng minority na “i-oppose” ang mga usapin sa Senado, kabilang ang impeachment. Bilang tugon, sinabi ni De Lima na hindi nangangahulugan na kokontrahin ng minority ang lahat ng hakbang ng mayorya dahil maaari itong maituring na pagiging “obstructionist.” Sa kaniyang Facebook post, ipinagtanggol ni Padilla ang kaniyang posisyon at sinabi na likas sa oposisyon ang hindi pagsang-ayon sa mga polisiya at panukala ng administrasyon o mayorya. Binigyang-diin din niya na hindi niya personal na tinatrato ang mga usaping pampulitika at naniniwala siyang dapat isantabi ng mga senador ang kani-kanilang pagkiling kapag kumikilos bilang impeachment judges. Dagdag pa ni Padilla, wala siyang pinapanigang kampo sa politika kundi ang paninindigan aniya “sa panig ng Diyos.” “Hindi ako nabubuhay sa script—kailanman ay wala akong ginamit na script sa politika. Ako ay mananatiling rebolusyonaryo hanggang sa huling araw ng aking buhay,” ani Padilla
NEWS
5/28/20261 min read


My post content
Contact
Reach us anytime for questions or support.
Phone
047-643-0239
© 2025. All rights reserved.
