1.PPA, nagbabala sa publiko kaugnay ng paggamit ng pangalan at logo ng ahensya sa online scam
Pinaalalahanan ng Philippine Ports Authority ang publiko kaugnay ng mga ulat ng paggamit ng pangalan at logo ng ahensya sa mga umano’y online scam. Ayon sa PPA, may mga reklamong natanggap tungkol sa mga transaksyong nangangailangan ng bayad para sa pagkuha ng package sa mga pantalan, na hindi bahagi ng operasyon ng ahensya. Nilinaw ng PPA na wala itong kaugnayan sa ganitong uri ng transaksyon at hindi ito naniningil para sa mga naturang serbisyo. Hinihikayat ng ahensya ang publiko na mag-ingat at tiyakin ang pagiging lehitimo ng mga online na transaksyon upang maiwasan ang panlilinlang.
4/10/20261 min read


Breaking news
Contact
Reach us anytime for questions or support.
Phone
047-643-0239
© 2025. All rights reserved.
