Pagbabago sa presyo ng petrolyo, posibleng maramdaman sa susunod na linggo

Posibleng magbago ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo batay sa trading sa Mean of Platts Singapore. Tinatayang maaaring magkaroon ng rollback sa diesel na aabot sa ₱5.50 kada litro o pagtaas hanggang ₱6.50 kada litro. Sa gasolina, maaaring walang pagbabago o bumaba ng hanggang ₱1 kada litro. Gayunpaman, hindi pa pinal ang mga pagtataya dahil may natitirang trading day at maaari pa itong magbago batay sa magiging sitwasyon ng tensiyon sa Gitnang Silangan.

4/10/20261 min read

Breaking news