Soy sauce manufacturing facility sa San Fernando Pampanga, sinuspinde ng mga awtoridad

Sinuspinde ng mga awtoridad ang operasyon ng isang soy sauce manufacturing facility matapos ang isinagawang search warrant operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Brgy. Sta. Lucia, San Fernando City Pampanga. Ayon sa CIDG, isinagawa ang operasyon kaugnay ng posibleng paglabag sa Food and Drug Administration Act of 2009. Nadiskubre sa lugar ang mga produktong “Mr. Cook” soy sauce na walang rehistro sa Food and Drug Administration (FDA), gayundin ang pasilidad na hindi nakarehistro sa Department of Trade and Industry (DTI). Arestado sa operasyon ang isang lalaki habang nakumpiska ang mga kagamitang ginagamit sa produksyon at 25 container ng natapos na soy products na tinatayang nagkakahalaga ng ₱30 milyon. Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang kabuuang saklaw ng operasyon.

NEWS

5/27/20261 min read

My post content

Contact

Reach us anytime for questions or support.

Email

Phone

047-643-0239

© 2025. All rights reserved.