Suplay ng kuryente sa Oriental Mindoro, Naibalik na sa normal

Naibalik na sa normal ang suplay ng kuryente sa Oriental Mindoro matapos ang pagdagdag ng kapasidad sa grid at koordinasyon ng mga kinauukulang ahensya. Ayon sa ORMECO, may sapat na reserbang kuryente ang lalawigan at pinahintulutan na rin ang pag-export ng sobrang suplay patungong Occidental Mindoro upang makatulong sa kakulangan doon. Nadagdagan ng humigit-kumulang 5MW ang kapasidad na na-synchronize sa sistema upang tugunan ang demand, habang patuloy ang paalala sa publiko na maging responsable sa paggamit ng kuryente.

4/10/20261 min read

Breaking news