Philippine Army, Itinangging May Pananakot sa Presensya ng mga Sundalo sa PUP Ragay Campus
Itinanggi ng Philippine Army na may kinalaman sa pananakot o intimidasyon ang presensya ng 81st Infantry Battalion at 9th Infantry Division sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) Ragay Campus. Ayon sa Army, ang kanilang pagdalo ay para sa logistical support sa kahilingan ng PUP Ragay para sa paglipat ng mga donasyong kagamitan mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Court of Appeals (CA) patungo sa campus sa Ragay, Camarines Sur. Kinumpirma ng PUP Ragay Campus na ang tulong ay para sa ligtas na transport ng mga filing cabinets, computer units, at iba pang kagamitan na gagamitin sa operasyon ng paaralan, gamit ang umiiral na government route upang mabawasan ang gastusin. Giit ng Philippine Army, ang kanilang koordinasyon sa mga institusyon ay bahagi ng regular na suporta sa mga ahensya ng pamahalaan at walang kaugnayan sa anumang aktibidad ng pananakot. Samantala, nauna nang kinuwestiyon ng Anakbayan PUP ang presensya ng mga tauhan ng 9th Infantry Division sa loob ng PUP Main Campus, na kanilang iniuugnay sa isyu ng militarisasyon sa mga pamantasan. Iginiit ng grupo na dapat imbestigahan ang insidente at igalang ang espasyong akademiko.
NEWS
5/27/20261 min read


My post content
Contact
Reach us anytime for questions or support.
Phone
047-643-0239
© 2025. All rights reserved.
