20 Pilipinong biktima ng human trafficking sa Cambodia, ligtas na nakabalik ng bansa – DMW

Ligtas na nakauwi sa Pilipinas ang 20 Pilipinong biktima ng human trafficking mula Cambodia, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW). Dumating ang grupo sa NAIA Terminal 1 noong madaling araw ng Mayo 8 sakay ng flight mula Phnom Penh. Isinagawa ang kanilang repatriation sa koordinasyon ng DMW, Philippine Embassy sa Phnom Penh, at Migrant Workers Office sa Singapore. Pagdating sa bansa, agad silang binigyan ng tulong pinansyal, welfare assistance, at legal support mula sa DMW, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), katuwang ang mga ahensya sa paliparan. Patuloy ang paalala ng DMW sa publiko na maging maingat sa mga alok na trabaho sa ibang bansa upang maiwasan ang ilegal na recruitment at trafficking.

NEWS

5/27/20261 min read

My post content

Contact

Reach us anytime for questions or support.

Email

Phone

047-643-0239

© 2025. All rights reserved.