Mga Kongresista ng Batangas, Nagkaisa sa Pagkondena sa Alegasyon ni Rep. Leandro Leviste laban kay na Exec. Sec. Recto at Gov. Vilma Santos
Nagkaisa ang mga kongresista mula sa Batangas sa paglabas ng House Resolution No. 994 na tumutuligsa sa mga alegasyon ni 1st District Rep. Leandro Leviste laban kina Executive Secretary Ralph Recto at Batangas Governor Vilma Santos, na kanyang binanggit sa privilege speech noong Mayo 5. Sa resolusyon, iginiit ng mga mambabatas na walang sapat na batayan ang mga paratang at maaari itong makaapekto sa reputasyon ng mga kinauukulan. Kinilala rin nila ang mahalagang kontribusyon at serbisyo ng mga opisyal para sa lalawigan ng Batangas at sa sambayanang Pilipino. Lumagda sa resolusyon sina Rep. Ryan Recto (6th District), Amado Carlos Bolilia IV (4th District), King George Collantes (3rd District), Beverly Rose Dimacuha (5th District), at Gerville Reyes-Luistro (2nd District).
NEWS
5/27/20261 min read


My post content
Contact
Reach us anytime for questions or support.
Phone
047-643-0239
© 2025. All rights reserved.
