Nicholas Kaufman, nagbitiw na bilang lead counsel ni dating Pang. Rodrigo Duterte
Nagbitiw na bilang lead counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court si Nicholas Kaufman habang papalapit ang susunod na yugto ng pagdinig kaugnay ng kaso ng war on drugs. Sa kaniyang liham sa ICC, sinabi ni Kaufman na isang taon lamang ang orihinal nilang kasunduan ni Duterte o hanggang Marso 31, 2026, at nais na umano ng dating pangulo na magtalaga ng bagong abogado para sa trial phase. Kasunod nito, sinabi ni human rights lawyer Kristina Conti na umaasa ang mga biktima ng drug war na hindi maaantala ang proseso ng kaso dahil sa pagbabago sa defense team. Nakatakda pa rin ang status conference sa Mayo 27 habang inaasahang haharap ang bagong counsel ni Duterte sa ICC proceedings.
NEWS
5/28/20261 min read


My post content
Contact
Reach us anytime for questions or support.
Phone
047-643-0239
© 2025. All rights reserved.
