WHO kinumpirma ang 6 na kaso ng hanatavirus sa isang cruise ship incident, Tatlo naiulat na nasawi
Kinumpirma ng World Health Organization ang 6 na kumpirmadong kaso ng hantavirus (Andes virus) sa isang cruise ship incident, kung saan kabuuang 8 katao ang nagkasakit at 3 ang nasawi. Ayon sa ulat, ang mga kaso ay natukoy sa pamamagitan ng PCR testing. May ilang pasahero na kasalukuyang ginagamot sa mga ospital sa South Africa, Netherlands, at Switzerland, habang negatibo naman ang suspected case sa Germany. May 147 pasahero at crew ang sakay ng barko nang unang maiulat ang outbreak noong Mayo 2, habang 34 katao ang nakababa na bago pa lumabas ang kumpirmasyon ng mga kaso. Ayon sa WHO, bagaman mababa ang panganib sa pangkalahatang publiko, nanatili ang banta nito sa mga nasa barko habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa posibleng pinagmulan at pagkalat ng impeksyon.
NEWS
5/28/20261 min read


My post content
Contact
Reach us anytime for questions or support.
Phone
047-643-0239
© 2025. All rights reserved.
