House Committee on Justice Chair Luistro, itinangging tumanggap ng anumang pera kaugnay ng impeachment proceedings laban kay VP Sara
Mariing itinanggi ni House Committee on Justice Chair Gerville Luistro na tumanggap siya ng anumang pera kaugnay ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay Lusitro, walang katotohanan ang alegasyon at iginiit niyang sa loob ng halos dalawang buwan ng pagdinig sa Justice Committee ay wala umanong lumapit sa kaniya na nag-alok ng pera, nanakot, o nakipag-ugnayan para sa anumang suhol. “Just for the record, I deny that allegation. We consumed two months in the Justice Committee—wala pong kumausap sa akin, wala pong nag-alok sa akin, wala pong nanakot sa akin,” pahayag ng kongresista. Binigyang-diin din niya na mas mainam na ituon ang pansin sa trabaho ng komite at sa pagbuo ng committee report sa halip na sa mga paratang na aniya’y walang basehan. Samantala, inakusahan ni Vice President Sara Duterte ang ilang miyembro ng komite na umano’y gumagamit sa kaniyang pangalan sa pagsusog ng impeachment complaints. “Madami ang pumipera gamit ang pangalan ko,” ani Duterte.
NEWS
5/28/20261 min read


My post content
Contact
Reach us anytime for questions or support.
Phone
047-643-0239
© 2025. All rights reserved.
