Imbestigasyon sa mabilis na pagtaas ng rice importation ng Planters Product Inc. at papel ng mga ahensya sa proseso nito, iminungkahi n Sen. Risa Hontiveros

Iminungkahi ni Sen. Risa Hontiveros ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa Senado kaugnay ng mabilis na pagtaas ng rice importasyon ng Planters Products, Inc. (PPI) at ang posibleng papel ng mga ahensya ng pamahalaan sa proseso nito. Sa privilege speech, iniulat ng senadora na umabot sa mahigit 86,000 metric tons ang naangkat na bigas ng PPI sa loob ng wala pang isang taon, kung saan malaking bahagi ay pumasok noong Enero 2026. Kinuwestiyon din niya ang pinagmulan ng pondo para sa malakihang importasyon, gayundin ang katayuan ng kumpanya at ang proseso ng pagkuha ng mga kinakailangang permit mula sa mga ahensya ng gobyerno. Hinihiling ng panukalang imbestigasyon na linawin ang umiiral na sistema sa rice importation at ang posibleng epekto nito sa transparency at patas na kompetisyon sa sektor.

NEWS

5/28/20261 min read

My post content

Contact

Reach us anytime for questions or support.

Email

Phone

047-643-0239

© 2025. All rights reserved.