Kabuuang utang ng pamahalaan ng PIlipinas, umabot ng P18.49 trilyon – Bureau of Treasury
Lumobo sa record-high na P18.49 trilyon ang kabuuang utang ng pamahalaan ng Pilipinas noong Marso 2026, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr). Batay sa ulat, pangunahing dahilan ng pagtaas ang paglobo ng domestic borrowings sa P12.53 trilyon, kasabay ng net issuance ng government securities. Nakaambag din ang paghina ng piso, na nagpalaki sa halaga ng mga foreign currency-denominated debt sa lokal na salapi. Mas mataas ito ng halos 2% kumpara sa P18.16 trilyon noong Pebrero, na nagpapakita ng patuloy na pagtaas ng utang ng bansa sa nakalipas na buwan.
NEWS
5/27/20261 min read


My post content
Contact
Reach us anytime for questions or support.
Phone
047-643-0239
© 2025. All rights reserved.
